Paano Mo Malalaman na Crush ka Ng Crush mo


Paano Mo Malalaman na Crush ka Ng Crush Mo

Normal lang sa tao ang magkacrush, that’s the reality. Ang hindi lang normal ay mag-assume ka na crush ka ng crush mo. Oo, isang malaking katangahan ang umasa kung hindi ka sigurado sa nararamdaman niya pero tayo talaga ang hilig natin mag take risk sa lahat ng bagay. Ika nga nila, “Fight for the one you love”, eh paano kung ikaw lang ang nagmamahal, ikaw lang ang umaasa eh di ikaw lang ang masasaktan pag nagkataon diba.
Pero wala din namang mangyayari kung maghihintay lang tayo diba kaya mas mabuti nang masaktan kaysa  magsisisi sa huli. Wala pa namang what if na nauuna kadalasan sa huli talaga iyon.
Para iwas asa sa mga kababaihan at kalalakihan diyan, I have a tips for you paano mo malalaman na crush ka ng crush mo. Malay mo, ganito na pala siya sayo diba?
TIPS 
For Girls and Boys
Tip no. 1: Kung ang lalaki ay hilig mang-asar sa iyo, yung tipong ayaw talaga paawat,  kahit deadma kana ay tuloy lang parin .
Senyales iyan na may gusto siya sa iyo. Bakit? Kung ang lalaki na walang gusto sa iyo kapag nasesense niya na wala ka ng paki sa kaniya ay titigil na iyan pero kapag ang lalaking grabe kung makapang-asar, yung parang iiyak ka na tapos tuloy pa rin siya. Well, goodluck! May chance ka sa kaniya.
Tip no.2:  Kapag ikaw ay lalaki, yong tipong natotorpe ka sa crush mo pag kaharap siya. Don’t worry this one will help you, “kapag kausap mo ba siya ay nahihiya rin siya sa iyo, yong tipong hindi makatingin sa mga mata mo?”
If yes, then, I can say na baka gusto ka rin niya. Kung hindi siya makatingin sa iyo ng diretso may nafefeel siyang awkwardness niyan. Bakit naman siya maaawkward kung walang something diba? Take note:  Be sure din na walang something sa pagmumukha mo, baka din naman kasi may dumi sa mata o ano pa.
Tip no.3: Kung katext mo siya, kapag tapos na ang topic ninyo ay magbibigay siya ng ibang topic. Yong mag gogood-bye ka na tapos parang sa rami ng tanong niya ay makakapagreply ka na lang sa kaniya.
Ayaw lang niya’ng isipin na  wala na naman kaya open lang siya ng open ng topic kahit hirap na siya pag-iisip ng bagong topic dahil naubos niyo na lahat. Gusto lang kasi niya katext ka dahil GUSTO ka  niya.
Tip no. 4: Iyong inaasar ka niya palagi pero kapag may kailangan ka handa siyang tulungan ka.
Ayaw lang niya Makita kang nahihirapan kaya gagawain niya lahat hindi ka lang mahirapan. Iyong hindi mo na naiintindihan ang lesson niyo sa math tapos siya parang ang dali lang. Kahit hirap na hirap na siya pagpapaliwanag sa iyo ay nag eefort pa rin siya dahil gusto niyang iparamdam sa iyo na he/she cares for you dahil ayaw ka niyang bumagsak.
Tip no.5: Kapag anong utos mo sa kaniya ay ginagawa niya.
Tip no.6: Kapag hindi ka niya pinapansin kapag nakita niyang may kalandian ka.
Isa lang ang explanation niyan, capital N-A-G-S-E-S-E-L-O-S siya sa inyong dalawa. Iniisip niya na sana siya na lang iyong kalandian mo.
Tip no.6: Kapag palaging nagpapaimpress siya sa iyo.
Tip no.7 : Napakasilple sa lahat, ITANONG MO SA KANIYA..





















Comments

Post a Comment