PAANO MAKALIMOT/ PAANO MAG MOVE ON
HOW TO GET OVER HIM/HER
By miss_assuming
O kaydaling sabihin na madaling magmove-on lalo na kapag hindi
tayo iyong nasa sitwasyon. Ganyan talaga yan, kapag totoo kang nagmamahal,
walang lugar ang pabebe-pabebe, kahit na nga yata maghabol sa kaniya ay
posibleng magawa mo. That’s how love will change you even if hindi ka ganiyan
dati.
Kung ikaw ay nasasaktan ngayon dahil INIWAN ka, aba! Huwag kang
mag-alala nandito ako upang tulungan ka na makamove-on. Hindi man
mabilis pero at least may progress. Oh diba!
Bago ako magbigay ng payo, may tanong ako sa iyo?
Ilang taon na ba kayo nang maghiwalay kayo? Isa, dalawa? Tatlo?
-Baka naman isang dekada na yan ah! Huwag naman sana…… bago ka
magsimulang kalimutan siya, dapat alam mo ilang taon, araw, buwan na ba? Bakit
hanggang ngayon hindi mo pa rin siya makalimutan? Ano bang nagpipigil sa iyo na
kalimutan siya? Ano bang espesyal sa kaniya? Oo, kahit simpleng mga katanungan,
lahat ng yan may bahagi upang maka-move on ka sa kaniya ng tuluyan.
-Ano nga bang espesyal sa kaniya? Maaari mong tanungin
ang sarili mo kung ano ang nakita mo sa kaniya? Bawat isip mo ‘non tiyak aabot
ka na sa hindi mo na masasagot ang tanong na iyan?
-Gaano ba siya ka-worth it? Worth-it ba talaga siya sa
iyong pagmamahal? Kung worth-it, good for him/her and not for you. Sa relasyon
kasi, parang give ang take lang iyan, kung worth-it siya para sa iyo dapat
worth-it ka rin para sa kaniya. Pero sa case mo, pinahalagahan ka ba niya? Kung
oo, dapat hindi ka niya sinasaktan dapat hindi ka nag-momove on ngayon.
MGA DAPAT GAWIN PARA
MAKA-MOVE ON
1. Huwag siyang layuan.
--- Huwag mo
siyang layuan dahil baka isipin niyang bitter ka sa nangyari sa inyo at isa pa
dapat may closure kayo sa isat isa para madali mong malaman kung wala ka na ba
talagang nararamdaman sa kaniya.
2. Kung palagi kayong
nagkikita, huwag mo siyang tititigan.
--- Huwag mo siyang
tingnan, masasanay ka lang kasi sa presensiya niya. Okay lang na tingnan mo
kung may kailangan kang itanong pero kapag wala, ‘wag mong tingan, mas lalo
kang hindi makakamove on niyan. Maaalala mo lang kasi ang mga moments na kayo
pa.
3. Don’t stalk.
--- Mostly, people
tends to stalk their ex. Para san? Siguro para may update kung sino ang
ipinalit? Kung mas maganda o gwapo ba sayo? H’wag mong ikaila, bakit ka nagti-tiyaga
sa pag scroll ng timeline niya? Bakit nagsisipag basahin bawat caption niya?
Diba, you are fishing for information. But I guess, not all people stalk their
ex, dahil may iba na ibinlock ng ex nila sa social media so how can you stalk
your ex? Read no.4
4. Don’t make poser account to
stalk.
--- I got this idea in
my friend. She share with me how she made a poser account just to stalk her ex.
Nag-effort siyang gumawa ng poser account mastalk lang ito? And what worst is
that, umasa siyang single parin ang ex niya, na hindi pa rin nakaka-move on sa
kaniya. Paano niya nalaman? Wala daw itong post tungkol sa bago nito? She
forgot to noticed na poser account ang ginamit niya, na hindi sila friend ng ex
niya sa account na iyon kaya lahat ng hindi public ang privacy hindi niya
talaga mababasa. Naalala ko pa kung gaano siya umiyak noong ipinakita ko
sa kaniya ang timeline ng ex niya sa facebook gamit ang account ko. Puno lang
naman it ng photos sa bago nito. Kaya, don’t make poser account, magbibigay
lang iyan ng false hope sa inyo.
5. Make changes.
--- I don’t say na
baguhin mo ang pagkatao mo. Ang sa akin lang, alam kung napabayaan mo na ang
sarili mo kakaatupag sa kaniya which is not good kaya this time pagtuunan mo ng
pansin ang sarili mo.
6. Don’t make someone a rebound.
--- Alam mo naman diba,
gaano kahirap ang masaktan? Kaya huwag mong gawin sa iba ang naranasan mo.
Don’t use people for your own happiness or for your own sake only. Intindihin
mo naman ang nararamdaman nila, huwag mo silang paasahin na kaya mong suklian
ang pag-ibig nila. If alam mong may mahal ka pa, then don’t make it hard for
the both of you, diretsuhin mo. Maari mong sabihin na ,’Hey! I’m sorry
but I think you deserve someone better.’ kahit gasgas na
linya nay an atleast may patutunguhan. Ganiyan talaga iyan, not all times you
will be happy kaya mabuti ng masaktan siya ngayon na maaga pa kaysa paaasahin
mo siya sa mahabang panahon na simula’t sapul pa lamang alam mo ng wala na
talagang pag-asa.
7. Kung nagpakatanga ka,
tigilan mo na.
--- Ikaw lang ang
mahihirapan niyan, ikaw lang ang nagmumukhang desperada o desperado sa mata ng
tao. Gusto mo iyon? Ikaw lang ang magiging sentro ng topic na kapag nalaman mo
tiyak masasaktan ka. Kaya habang maaga pa, stop chasing him/her. You already
did your part, this time kung may part 2 pa talaga sa storya niyo let him/her
write your own sequel.
8. Kung may ipinalit na sa iyo,
huwag magalit.
Don’t be furious if you know that he/she already replaced you.
Instead, make it an instrument to enhance your old self. Try asking if what
makes him/her better than you? Para naman ma-improve mo ang sarili mo,
para sa pagdating ng panahon malay mo magsisisi siya kung bakit pinakwalan niya
ang isang gaya mo.
Good Luck! Sana makatulong sa inyo. If you have a questions or you
need an advice, feel free to write it, sasagot ako sa katanungan niyo.
Comments
Post a Comment