Teenage Pregnancy (current issue) (isang sanaysay)
Teenage Pregnancy
Isang bansa na kung tawagin ay Pilipinas, binubuo ng mahigit kumulang 7, 107 ka pulo na kung saaan pinaninirahan ng mahigit isang daang milyon ka tao, ay kasalukuyang hinaharap ang isa sa pinakamalaking isyu sa lipunan ngayon, ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis. Ano nga ba ang teenage pregnancy? Bakit nga ba may teenage pregnancy? At paano nga ba masosolusyunan ang teenage pregnanacy?
Ang maagang pagbubuntis o kadalasang tinatawag na teenage pregnancy ay ang pagdadalang tao ng isang babae na nasa edad labintatlo hanggang labinsiyam na taong gulang na kung saan wala pa siyang sapat na kakayahan at pera na buhayin ang isang sanggol. Bakit nga ba nangyayari ang teenage pregnancy? Maraming mga posibleng dahilan kung bakit ito lumaganap sa ating lipunan. Unang-una na rito ay ang pagkakaroon ng hiwalay na magulang o ang tinatawag nating broken family. Kapag nasa ganitong sitwasyon kasi, ang mga anak ang siyang unang naaapektuhan na kadalasang dahilan ng kanilang masamang gawain bunga ng kawalan ng sapat na paggabay. Dahil dito, nagdudulot ito ng panibagong problema, ang maimpluwensiyahan sa masamang gawain ng barkada. Mayrooon ding iba na nabubuntis nang maaga dahil biktima ng panggagahasa. Hindi man nila ginusto iyon ngunit kailangan nilang tanggapin ang panibagong hamon sa kanilang buhay. Isa sa rin sa mga dahilan ng teenage pregnancy ay ang teknolohiya. Oo, may magandang naidudulot ang teknolohiya sa ating buhay. Napapagaan nito ang ating mga trabaho ngunit hindi natin dapat kalimutan na ito ang siyang unang dahilan kung bakit namumulat ang mga kabataan sa mga makamundong gawain. Aminin man natin o hindi, isang search lang sa internet, naglilikaha na ito ng posibleng kapahamakan. Bakit? Dahil hindi lahat ng nasa internet ay nakabubuti. Halimbawa na lamang dito ay ang mga naglipanang websites sa internet na naglalaman ng mga malalaswang video o larawan. Kahit pa sabihin natin na hindi lahat ng kabataan ang nanonood ng mga video o larawang ito pero hindi natin makakaila na bawat kabataan may kanya-kanyang kuryusidad. Posibleng hindi nga sila nanonood sa ngayon pero hindi natin maiwasan na baka sila ay posibleng maimpluwensiyahan ng barkada sa paglipas ng panahon. At ang huling dahilan ng teenage pregnancy ay ang pagpasok nang maaga sa isang relasyon. Hindi naman lahat nang pumapasok sa maagang relasyon ay nabubuntis pero hindi natin makakaila na kadalasang nabubuntis ngayon ay iyong may mga kasintahan. Bakit? Dahil ang tukso ay nasa paligid lamang at hindi lahat ng mga kabataan ay marunong magpigil sa kanilang sarili lalo na kapag nasa bingit ng libog.
Ilan sa mga bagay na maaari nating gawin upang maiwasan ang teenage pregnancy ay ang pakikinig sa magulang. Kahit pa nakakairita na minsan, palagi nating pagkatatandaan na walang magulang sa mundo ang gustong makita ang kanyang anak na nagdurusa. Maaari ding maging pihikan ka sa barkada. Di bale nang sabihin nilang choosy, overacting o kung ano pa ang mga masasakit na salitang ibabato nila sayo, ang mahalaga ikaw ay ligtas mula sa mga posibleng tao na maaaring makapahamak sa iyo. At ang panghuli, kung hindi talaga mapigilan ang sarili na pumasok sa isang relasyon, dapat magkaroon ka ng limitasyon at respeto sa iyong sarili nang sa ganun makaiwas ka sa tukso. Kaya, sa abot ng ating makakaya pigilan natin ang ating sarili na gawin ang mga bagay na posibleng maging sanhi ng teenage pregnancy. Tulungan natin ang ating sarili, ang ating lipunan, ang ating bansang sinilangan na tuluyan nang wakasan o kung hindi man mawakasan, kahit na maiwasan na lamang ang pagtaas nang bahagdan ng maagang pagbubuntis sa ating bansang tinitir’han. Sabay-sabay tayong tumayo at ipagsigawan sa buong mundo na “Kapwa ko Pilipino, teenage pregnancy iwasan mo!”

Comments
Post a Comment