Mga Bagay na Dapat Iwasan Sa isang Relasyon
Sa isang relasyon, hindi lahat ng gusto nating gawin ay magagawa natin. talaga? YES, as in OO. dahil kapag ipipilit natin maaaring magdulot pa nang problema at siyempre nang hiwalayan. Ano ba ang mga bagay na dapat iwasan ng isang babae at lalaki sa isang relasyon?
1. Huwag na huwag mong ikumpara ang bago mo sa ex mo.
Sige ba namang tao ang okay lang na ikumpara sa ex diba, talagang magagalit talaga. Hello? Ex mo na yan! Yong tipong 'Di ka marunong magluto? Si (insert ex name) marunong.....'
Pakialam ko kung marunong siya, eh di siya na marunong! Eh di balikan mo siya!
2. Matagal mag reply
Alam mo naman ang isip nang tao, madali lang makaconclude kaya hanggat maaari, iwasan mo 'to.
Naaalala ko pa kung bakit naghiway iyong friend ko at bf niya noong highschool kami dahil din dito... Active now daw iyong messenger tapos di nagrereply, kaya hayon break agad! Ang babaw diba! Sabihin mo lang may iba kana! Kaya naghahanap ka lang ng dahilan para makipagbreak, para kunwari wala kang kasalanan! Lupet mo!!
3. Don't lie.
Kahit pa maliit lang iyan at hindi ka nabisto, Parang awa mo na huwag mo ng ulitin! Every little thing counts! Iwasan mong MAGSINUNGALING!
Iyong tipong may gimik kayong sasamahan tapos alam mo namang hindi ka papayagan kaya hindi ka nalang nagpaalam, HUWAG GANYAN DUDE! (at tayo namang mga girlfriend, huwag naman tayong maging ganon ka strikto huh? Sinasakal natin sila kapag ganyan eh! Mama nga nila pinapayagan sila, tayo pa kaya na hindi pa natin sila asawa.)
4. Huwag kalimutan ang mga special events.
Birthday, nakalimutan? Okay lang makalimutan mo anniversary date natin pero birthday ko hindi mo naalala?!! Nakakainit ng ulo bro! Nakakahighblood ka! Samantalang time nang paglog-in niyo sa ROS o DOTA 2 mo, kabisadong-kabisado mo. Wow, ang galing!
5. Huwa mong ideny.
Ito iyong pinakamasakit sa lahat. Iyong ideny tayo sa iba kapag may nagtanong. Hello? Anong dahilan mo? Paki-explain nga dahil hindi ko talaga magets eh.. Ano to kinakahiya lang? Hindi ka nalang sana nanligaw o hindi mo nalang sana sinagot!! Palibhasa pa play safe ka kasi ayaw mong masabihang paasa, binasted mo nalang sana simula pa....
Comments
Post a Comment