BLOG NO. 1 TIPS PARA HINDI KA MASAKTAN SA HULI
BLOG
NO. 1
TIPS
PARA HINDI KA MASAKTAN SA HULI
APRIL
19, 2020
Hindi ako professional writer, pagtiyagaan niyo na lang.
Ginawa ko ang blog na ito to divert the pain I am feeling right now. I am tired
of crying day and night. I just want to express the pain thru writing. Hindi ko
lubos maisip kung paano ko naging deserve maging panakip-butas. Pinagtatawanan
ko pa noon iyong mga kakilala kong panay kwento kung gaano kahirap maging
broken hearted. What I always told them before was:
“Move on, hindi naman
iyan mahirap gawin, kalimutan mo siya. Ganyan lang ka simple.”
And now, na ako mismo ang nakaranas, hindi ko na ma –apply
sa sarili ko, ang mga advices ko sa kanila noon. Ba’t ba ganito kahirap?
Sleepless nights? Pang ilang araw na ba ‘to? Gustong-gusto ko na matulog ng
maayos pero hindi ko magawa. Bawat pagpikit ng mata ko, naaalala ko siya. Very
cliché pero ewan ba.
Ito ang mga tips na
gusto kung ibahagi sa inyo para iwas SAKIT kayo sa huli
1. Unang-una, hindi dahil sinabihan kang mahal ka niya, totoo
na. Maging mapanuri ka Huwang kang tumulad sa akin na sa huli ko na ginawa. Sa
simula pa lang alamin mo na. Huwang kang pakampanti sa mga tinituran niya. Baka
iyang lalaki o babaeng gusto mo ay ginagawa ka lang divertion sa mga pain na
nararamdaman nila.
Alamin
mo kung bago ikaw, sino ang hulinng taong nilaanan niya ng interes tapos
nireject lang siya?
Nagawa ko naman ito noon eh, ang mali lang ay
pinaalam ko sa kaniya ang nalaman ko. He made me believe that it wasn’t true.
He doesn’t love the girl daw. Kung sino man daw ang nagsabi sa akin noon, she
was lying. And that time, it’s my friend who told me that since the other girl
who was also involved in the story was her bestfriend. And my greatest regret
was I choose to believe the guy. Nagkamisunderstanding pa kami ng kaibigan ko
dahil doon. But all along, nalaman ko
nalang na the one who’s telling the truth was my friend.
Kaya ikaw, huwag kang maniwala sa mga sinasabi
niya basta-basta kung ayaw mong maging rebound lang sa huli. You are precious.
You doesn’t deserved to experience what I’ve experienced. Maging talino ka,
huwag kang tumulad sa akin.
2. Pangalawa, maging maingat ka kapag masyadong mabulaklak ang
kanyang salita. Ika nga, if it’s too
good, then it is not true.
Huwag kang padala sa kilig na nararamdaman mo.
Hanggat kaya mong pigilan ang sarili huwag mong mahalin ng lubusan kung hindi
kapa sigurado sa kanya. Kadalasan kasi, paniniwalain ka sa simula at kapag
nabored na , saka ka iiwan. Iyong tipong sila naka-move on na sa nanakit sa kanila at ikaw naman iyong iniwan na sira.
You doesn’t deserve to be treated like an
option. Please be wise and smart. I am a top student in my class yet I failed
to be wise and smart in choosing a guy.
3. Sa isang relasyon, darating talaga sa punto na manlalamig
na iyan. At kapag nanlamig na, huwag mong ipilit ang sarili mo. Pero ikaw kung
gusto mong ipaglaban sige go but kapag nanlamig na naman sa pangalawang
pagkakataon, tigil mo na. Ikaw iyong kawawa sa huli. Imbes na maghabol ka,
ilaan mo na lang sa pag momove on ang panahon mo.
In my case, it was our 2nd month
when he became cold. The delayed reply to my chats, no more text, no more
calls, no vc, it’s obvious that he’s losing interest but I choose to understand
him. Baka problemado lang, baka naglalaro lang. Ni minsan hindi ko siya
pinag-isipan ng masama. Na may iba na siya. And then days after, okay na ulit
kami balik sa dati. But 1 month after, ito na naman. Cold na naman. If before
delayed replies lang, ngayon no more chats na even if he’s online. At nalaman
ko nalang na nagawa niyang makipagchat sa iba pero sa kin di niya magawa. Sino
ba naman ako? Ako lang naman iyong second choice niya. At ngayon, interesado na
sa kanya iyong totoong gusto niya kaya ano pang silbi ko diba?
Let
go, lalo na kung alam mo ng talo ka sa huli. Masakit talaga iyan. Ma-aalala mo
iyong mga memories niyo together, mga plano niyo for the future na wala na.
Tanggapin mo nalang na may mga tao talaga na darating na walang planong mag
stay sa huli.
4. Huwag ka masyadong understanding dahil sa huli tini-take
advantage ka.
Dati, akala ko iyong relasyon okay lang kahit
hindi kayo parating nag-uusap, ang mahalaga alam mong mahal niyo ang isa’t isa
at may tiwala kayo pareho. Iyan daw ang mature relationship. Totoo naman. Pero
kapag ramdam mo ng may kakaiba ng nangyayari, parang may nagbago na, huwag kang
manahimik. Huwag kang matakot magtanong kung mahal ka pa ba niya. The more you
fear in asking, the longer you suffer the pain. Guys, trust me. I’ve been
there. Natatakot akong magtanong kung ako pa ba? Takot akong marinig na hindi
na at may iba na. Takot akong masaktan. Takot akong maiwan mag-isa. Pero ngayon
naisip ko, may dahilan kung bakit nasasaktan tayo. Pinapakita lang nito kung
gaano tayo katapang labanan iyong sakit.
Fight!
Fight for your worth. Huwag mong ipaglaban ang taong ilang beses ka ng
nasaktan.
5.
Para hindi ka talaga
masaktan, huwag kang ma-inlove. Which
is very impossible kasi we can’t dictate our heart.
Once we fall inlove, we are vulnerable to pain. Kaya kung ayaw
mong masaktan, pigilan mo ang sarili mo. Goodluck to that kung kakayanin mo nga
! HAHAHA
ALWAYS REMEMBER, EVEN
IF YOU’VE BEEN HURT, DON’T THINK TO GET REVENGE. IT’S NOT GOOD. JUST MOVE ON
AND LET YOUR HAPPINESS MAKE THEM REGRET THAT THEY CHOOSE TO HURT YOU.
Kung naranasan mo ng masaktan, comment ka sa baba. Chika
tayo, baka makatulong ako J
Comments
Post a Comment