BLOG NO.2 “TIPS PAANO MAKA-MOVE ON”
BLOG NO.2
“TIPS PAANO MAKA-MOVE ON”
April 19, 2020
Once you fall in love, hindi imposible na masaktan ka dahil hindi lahat ng tao na
darating sa buhay mo ay siya na panghabam-buhay. May iba na ginawa lang
instrumento upang ika’y maging matapang para sa susunod na ika’y magmahal ulit
alam mo na kung ano ang dapat mong gawin.
Once you fall in love, hindi lahat happiness. Darating talaga sa punto na
masasaktan ka at kapag hindi talaga kayo ang itinadhana, kailangan mo siyang
pakawalan kahit na masakit.
Once you fall in love, you expect to get hurt.
And if you really love
her/him, don’t beg him/her to stay if she/he doesn’t want to stay anymore.
Learn to let go. That’s love is. It’s about what you can do for him/her just to
make him/her happy even if it can hurt you so much.
TIPS PAANO KA MAKA-MOVE
ON SA KANYA
1.
You need to accept the truth na wala na kayo. Na may iba na
siya at hindi na ikaw.
Alam kong mahirap dahil
nasanay ka na sa presensiya niya pero
para makalimutan mo siya kailangan mong tanggapin na tapos na ang
relationship niyo. That he/she doesn’t love you anymore. Don’t ever think to
beg him/her to stay. Ikaw ang magiging kawawa sa huli. Always remember, you
don’t have to beg for love. If you beg, it’s not love anymore.
2.
In that stage, masikip iyan sa dibdib. Huwag kang matakot o
mahiya umiyak. Show your pain, huwag mong sarilinin ang sakit. Mas madali kang
makalimot kung may mga taong sasamahan ka sa proseso.
Masakit talaga iyan. Hindi ka
pa makatulog sa gabi. Alam kong kapag naiisip mo siya, maalala mo ang memories
niyo together at maiiyak ka talaga. Huwag kang mahiya mag-share ng problema sa
mga totoong kaibigan mo, sa kapatid mo, sa papa mo, sa mama mo, at kung sino
pang tingin mo makakatulong sa iyo. Huwag kang mahihiyang magbreak-down.
Maiintindihan ka nila. Ilabas mo ang sakit, iiyak mo hanggang wala ng lumabas.
Kahit ilang buwan pa ang igugul mo diyan, di ‘yan mahalaga. Ang importante
isang araw, kapag maaalala mo siya ulit, wala ng sakit.
3.
Read self-motivating quotes.
I
don’t know if this will apply to you but this one help me a lot. I learn about
self-worth, self-love, etc. that made me recover from the pain faster. I always
think that I doesn’t deserve to stay in pain that I need to stop this
craziness.
4.
Delete your conversations, pictures, etc.
Manghihinayang ka talaga sa umpisa. But trust
me, it can help you.
5.
STOP back-reading old conversation.
Masasaktan ka talaga kapag binasa mo ulit ang
conversations niyo dati. Iyong dating sweetness niya, iyong pagiging warm niya,
na ngayon sa iba na niya pinaparamdam. Tanggapin mo na lang na wala ng siya na
mangungumusta ng araw mo, wala ng good morning at good night mula sa kanya. WALA NG SIYA SA BUHAY MO.
6.
STOP REMEMBERING MEMORIES.
Oo minsan hindi talaga maiwasan na maaalala mo
siya pero the more you think of the past the longer you can’t move on. Go for
any divertion of the pain. You can try things you haven’t tried before. But I’m
not telling you to do something illegal. You’re an idiot if you do that. You
can try any hobbies that you want to learn. If you want to play guitar before
but you don’t have a time, now is a good time for that. (SKL, my one way of expressing pain before is through writing. HAHAHA)
7.
STOP STALKING HIS/HER ACCOUNT
I know nasanay ka na na siya ang ka-chat mo
palagi pero again and again, accept the truth na hindi na ‘yan magcha’chat
sayo. Stop visiting his/her timeline, huwag ka ng umasa na may post siya na
tungkol sayo. May iba na ‘yan, kung may post man iyan, hindi na iyan para sayo.
Baka pagstalk mo may post sa mukha ng bago niya, paano kung mas maganda o mas
gwapo sa ‘tin? Madedepress lang tayo kakaisip na kaya hindi tayo pinili dahil
mas higit pa pala.
If gusto mo siya i-block sa social media
account mo, okay lang it’s your choice but sa case ko, hindi ko ito ginawa. Ano
bang silbi nang pamba-block ko kung magkaklase rin kami? And you know what,
anong mas masakit. Iyong bago niya, kaklase ko rin.
If gusto mong laitin iyong bago niya, Go lang
kung makatutulong sayo. Pero hindi ko rin ito ginawa dahil I don’t have the
rights. We are different. Hindi niya kasalanan na minahal siya ng jowa mo.
Kapag nilait mo iyan, magmumukha kang insecure sa kanya.
8.
STOP THINKING NA MAAAYOS PA.
Kahit
gustuhin mo pang maayos ‘yan, hindi mo na ‘yan maaayos kung ikaw na lang ang
lumalaban mag-isa at siya, matagal ng sumuko at ipinaglalaban na ang iba. Don’t
be afraid na maiiwan kang mag-isa. Siguro iyong tamang tao para sayo, naantala
lang saglit at paparating na.
9.
LEARN TO LET GO TRULY.
I mean palayain mo na talaga siya, huwag mo ng
guluhin pa. Hayaan mo ng sumaya sa iba. Ang importante hindi ikaw ang nagloko,
hindi ikaw ang nagkulang. Mas madali kang makalimot kapag tanggap mo na talaga
na wala na.
10.
HUWAG MONG MADALIIN
ANG LAHAT. MAY TAMANG PANAHON PARA DIYAN.
Alam ko kapag nasaktan ka talaga, gusto mo nalang
alisin iyong sakit. Iyong tipong hindi mo na maramdaman pa sa lalong madaling
panahon pero alam nating dalawa na imposible iyan. Take it step by step. And
don’t you ever think na hindi mo kaya. Hindi ibibigay ang pagsubok na iyan sayo
kung hindi mo kakayanin. Breath &
Let go! Let time heal your pain. One day, gigising ka na lang na okay na
ang lahat. Trust me!
11.
STAY POSITIVE KAHIT
ALAM MONG MASAKIT NA.
You
deserve to be happy. You deserve to be someone’s choice. Hindi nga lang siguro
ngayon. Huwag kang magtanim ng galit sa kanya. Don’t ever think na maghihiganti
ka. Hindi iyan maganda. Just be happy,
move forward with your life without him anymore and let that happiness of yours
made him think or regret that it’s not a good decision to hurt you.
12.
KAPAG MAGMOMOVE-ON
KA, HUWAG KANG GUMAMIT NG REBOUND.
Alam
kong masakit, pero huwag na huwag kang gumamit ng ibang tao para makalimutan
ang sakit na nararamdaman mo. It’s a foul. Hindi iyan tama. Don’t hurt someone
para lang makatakas ka sa sakit saglit. Karma
is a bitch. Baka magsisisi ka sa huli. Also, nobody deserves to be a
rebound. Please remember that.
Kapag feeling mo nakamove-on ka na sa kanya at naligaw ka
lang dito, congrats! It’s a job well done.
Kung naranasan mo ng masaktan, comment ka sa baba. Chika
tayo, baka makatulong ako J
Comments
Post a Comment