BLOG NO.5 PAANO MAG MOVE ON
BLOG NO.5
“HOW TO GET OVER HIM/HER”
O kaydaling sabihin na madaling magmove-on lalo na kapag
hindi tayo iyong nasa sitwasyon. Ganyan talaga yan, kapag totoo kang
nagmamahal, walang lugar ang pabebe-pabebe, kahit na nga yata maghabol sa
kaniya ay posibleng magawa mo. That’s how love will change you even if hindi ka
ganiyan dati.
Kung ikaw ay nasasaktan ngayon dahil INIWAN ka, aba! Huwag
kang mag-alala nandito ako upang tulungan ka na makamove-on. Hindi
man mabilis pero at least may progress. Oh diba!
Bago ako magbigay ng payo, may tanong ako sa iyo?
Ilang taon na ba kayo
nang maghiwalay kayo? Isa, dalawa? Tatlo?
-Baka naman isang dekada na yan ah! Huwag naman sana…… bago
ka magsimulang kalimutan siya, dapat alam mo ilang taon, araw, buwan na ba? Bakit
hanggang ngayon hindi mo pa rin siya makalimutan? Ano bang nagpipigil sa iyo na
kalimutan siya? Ano bang espesyal sa kaniya? Oo, kahit simpleng mga katanungan,
lahat ng yan may bahagi upang maka-move on ka sa kaniya ng tuluyan.
-Ano nga bang
espesyal sa kaniya? Maaari mong tanungin ang sarili mo kung ano ang nakita
mo sa kaniya? Bawat isip mo ‘non tiyak aabot ka na sa hindi mo na masasagot ang
tanong na iyan?
-Gaano ba siya
ka-worth it? Worth-it ba talaga siya sa iyong pagmamahal? Kung worth-it,
good for him/her and not for you. Sa relasyon kasi, parang give ang take lang
iyan, kung worth-it siya para sa iyo dapat worth-it ka rin para sa kaniya. Pero
sa case mo, pinahalagahan ka ba niya? Kung oo, dapat hindi ka niya sinasaktan
dapat hindi ka nag-momove on ngayon.
MGA DAPAT GAWIN PARA
MAKA-MOVE ON
1.
Huwag siyang layuan.
--- Huwag mo
siyang layuan dahil baka isipin niyang bitter ka sa nangyari sa inyo at isa pa
dapat may closure kayo sa isat isa para madali mong malaman kung wala ka na ba
talagang nararamdaman sa kaniya.
2.
Kung palagi kayong nagkikita, huwag mo siyang tititigan.
--- Huwag mo
siyang tingnan, masasanay ka lang kasi sa presensiya niya. Okay lang na tingnan
mo kung may kailangan kang itanong pero kapag wala, ‘wag mong tingan, mas lalo
kang hindi makakamove on niyan. Maaalala mo lang kasi ang mga moments na kayo
pa.
3.
Don’t stalk.
--- Mostly,
people tends to stalk their ex. Para san? Siguro para may update kung sino ang
ipinalit? Kung mas maganda o gwapo ba sayo? H’wag mong ikaila, bakit ka
nagti-tiyaga sa pag scroll ng timeline niya? Bakit nagsisipag basahin bawat
caption niya? Diba, you are fishing for information. But I guess, not all
people stalk their ex, dahil may iba na ibinlock ng ex nila sa social media so
how can you stalk your ex? Read no.4
4.
Don’t make poser account to stalk.
--- I got this
idea in my friend. She share with me how she made a poser account just to stalk
her ex. Nag-effort siyang gumawa ng poser account mastalk lang ito? And what
worst is that, umasa siyang single parin ang ex niya, na hindi pa rin
nakaka-move on sa kaniya. Paano niya nalaman? Wala daw itong post tungkol sa
bago nito? She forgot to notice na poser account ang ginamit niya, na hindi
sila friend ng ex niya sa account na iyon kaya lahat ng hindi public ang
privacy hindi niya talaga mababasa. Naalala ko pa kung gaano siya umiyak noong ipinakita ko sa
kaniya ang timeline ng ex niya sa facebook gamit ang account ko. Puno lang
naman it ng photos sa bago nito. Kaya, don’t make poser account, magbibigay
lang iyan ng false hope sa inyo.
5.
Make changes.
--- I don’t say
na baguhin mo ang pagkatao mo. Ang sa akin lang, alam kung napabayaan mo na ang
sarili mo kakaatupag sa kaniya which is not good kaya this time pagtuunan mo ng
pansin ang sarili mo.
6.
Don’t make someone a rebound.
--- Alam mo
naman diba, gaano kahirap ang masaktan? Kaya huwag mong gawin sa iba ang
naranasan mo. Don’t use people for your own happiness or for your own sake
only. Intindihin mo naman ang nararamdaman nila, huwag mo silang paasahin na
kaya mong suklian ang pag-ibig nila. If alam mong may mahal ka pa, then don’t
make it hard for the both of you, diretsuhin mo. Maari mong sabihin na ,’Hey!
I’m sorry but I think you deserve someone better.’ kahit gasgas na linya nay an atleast may patutunguhan. Ganiyan
talaga iyan, not all times you will be happy kaya mabuti ng masaktan siya
ngayon na maaga pa kaysa paaasahin mo siya sa mahabang panahon na simula’t
sapul pa lamang alam mo ng wala na talagang pag-asa.
7.
Kung nagpakatanga ka, tigilan mo na.
--- Ikaw lang
ang mahihirapan niyan, ikaw lang ang nagmumukhang desperada o desperado sa mata
ng tao. Gusto mo iyon? Ikaw lang ang magiging sentro ng topic na kapag nalaman
mo tiyak masasaktan ka. Kaya habang maaga pa, stop chasing him/her. You already
did your part, this time kung may part 2 pa talaga sa storya niyo let him/her
write your own sequel.
8.
Kung may ipinalit na sa iyo, huwag magalit.
Don’t be furious if you know that he/she already replaced
you. Instead, make it an instrument to enhance your old self. Try asking if
what makes him/her better than you? Para naman ma-improve mo ang sarili mo, para sa pagdating ng
panahon malay mo magsisisi siya kung bakit pinakwalan niya ang isang gaya mo.
Good Luck! Sana makatulong sa inyo. If you have a questions
or you need an advice, feel free to write it, sasagot ako sa katanungan niyo.
Comments
Post a Comment