BLOG NO.4 PAANO MO MALALAMAN KUNG NAKAMOVE ON KA NA SA KANYA
BLOG NO.4
PAANO MO MALALAMAN
KUNG NAKAMOVE ON KA NA SA KANYA
Nagmahal ka eh, kakambal talaga diyan ang sakit. Kung
nasaktan ka man, huwag mong isipin na diyan na nagtatapos ang lahat. Tanggapin
mo na lang ang mga nangyari na. Magmove on ka! You deserve someone better na
kaya kang ipaglaban hanggang sa huli. Iyong tipong hindi ka susukuan.
Congratulations
sa iyo in advance dahil sinusubukan mong mag move on. Kung feel mo hindi pa
talaga totally, huwag kang mag-alala. Darating din ang panahon na tuluyan ka na
talagang maka get over sa kanya. At kapag dumating ang panahon na iyon, you
deserve an applaud! You’re strong.
Hindi
mo naman talaga kailangan magbasa ng impormasyon pa dahil kapag nakamove on ka
na talaga ng tuluyan, kusa mo iyang mararamdaman. Malalaman mo iyan talaga.
Pero dahil nandito ka na, sige may mga suhestiyon ako sa baba na posibleng
naranasan mo na.
1.
Kapag hindi ka na naiiyak kapag naaalala mo siya, ang
memories niyo together, kapag napunta ka sa mga lugar na napuntahan niyo dati.
Alam ko na dati, panay iyak mo
araw at gabi dahil sa kanya. It’s an achievement kung ngayon hindi ka na
naiiyak pa.
2.
Kapag wala ka ng nararamdaman pa kapag naririnig ang
pangalan niya.
Alam kong dati interesado ka
sa mga impormasyon tungkol sa kaniya. Iyong tipong ang bilis ng kabog ng dibdib
kapag naririnig ang pangalan niya. Auto-kinig kapag may update sa kanya. Pero
kapag one time, napansin mo nalang ang sarili mo na parang normal na lang ang
pangalan niya. Iyong tipong okay lang na hindi mo malaman pa kung ano ang
pinag-uusapan ng iba tungkol sa kanya, it’s a good sign that you’re doing it
well.
3.
Kapag hindi ka na bitter sa kanya.
Iyong tipong kaya mo ng ngumiti sa kanya ng totoo, walang
halong ka plastikan. Iyong kaya mo na siyang makita na may kasama ng iba na
hindi ka na nagseselos pa. Iyong tipong kaya mo na siyang titigan na walang
halong sakit at poot dahil sa ginawa niya. Iyong tipong tanggap mo na at kaya
mo na na wala na siya sa buhay mo.
4.
Kung kaya mong maging kaibigan siya ulit.
Kung kaya mong maging kaibigan
siya iyong tipong hindi ka na naghahangad pa na magkabalikan pa kayo.
5.
Kapag maaliwalas na ang pakiramdam mo, wala ng sikip sa
dibdib.
Kapag nasaktan ka, masikip sa
dibdib iyan. Kung nagising ka na lang isang araw, na ang gaan ng pakiramdam.
Iyong tipong, para kang nagkaroon ng bagong-buhay, iyong ang sarap-sarap lang
ngumiti.
6.
Kung hindi mo na siya sinasama sa mga plano mo sa buhay.
7.
Kung kaya mo ng magpatuloy sa buhay na hindi na siya
kasama.
Kung feel mo na nakaka-move on ka na
paunti-unti o tuluyan ka ng nakamove-on, comment ka. Share mo sa iba anong
ginawa mo para makamove on ka. Let’s help each other.
Comments
Post a Comment